Opisyal sa Japan na hubo't hubad nagtatapon ng basura, dinampot

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 04:10 PM

Timbog ang isang 49 anyos na city hall official sa bayan ng Kochi sa Japan matapos makitang hubo't hubad na nagtapon ng kaniyang basura nitong Lunes. 

Hindi naman itinanggi ni Kenichi Kuroiwa ang paratang, at dumepensa na "abala" pa umano ang pagdadamit. 

Ilang buwan na palang inirereklamo ang ginoo ng mga kapitbahay, na naeeskandalo dahil madalas siyang makitang hubad tuwing alas-6 ng umaga.

Naaktuhan ng mga pulis nitong Lunes si Kuroiwa at agad itong dinampot sa kasong public indecency. 

Isang section chief si Kuroiwa sa asset policy department ng lungsod, at ayon sa kaniyang mga kasamahan sa munisiyo, "masipag" naman ito sa trabaho. 

--Isinalin mula sa ulat ng Kyodo News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.