'Exorcist' sa Amerika makukulong dahil di nagbayad ng buwis

Nate Raymond, Reuters

Posted at Jan 18 2018 08:02 PM

Makukulong ang isang "exorcist" o tagataboy umano ng masamang espiritu matapos hindi magbayad ng buwis sa Boston, Massachusetts sa Amerika.

Sinentensiyahan ng 26 buwan o higit dalawang taong pagkakakulong ang nagpakilalang psychic na si Sally Ann Johnson, 41 anyos, matapos amining hindi siya nagbayad ng buwis mula sa kabuuang $3.5 milyon, o katumbas ng P177 milyon, na kinita mula sa isang matandang babaeng nagpataboy umano ng demonyo.

Bukod sa di pagbabayad ng buwis, sinabi rin ng hukom sa kaso na may malakas na ebidensiyang niloko rin ni Johnson ang matandang babaeng nakararanas na ng dementia, na karaniwang sintomas ay ang pag-uulyanin.

Nauna nang itinanggi ni Johnson at ng kaniyang mga abogado ang alegasyong panloloko sa matandang babae.

Giit pa ng isang abogado ni Johnson, nagmula sa angkang mayaman at makapangyarihan ang matandang babae kaya imposibleng maisahan siya ng psychic.

Pero ayon naman sa mga umusig sa kaso, sinamantala ni Johnson ang pag-uulyanin ng matandang babaeng naniniwalang may mga masasamang espiritung nagdudulot ng kaniyang dementia.

Ginamit din umano ni Johnson ang credit card ng babae para mamili ng libo-libong dolyar na halaga ng alahas at iba pang bagay.

Hindi lubos na tinukoy ang pagkakakilanlan ng matandang babae sa mga dokumento ng korte at binigyan lamang ng palayaw na "V.P."

Graduate ng Harvard University si V.P. Mahigit 70 anyos na rin ito noong 2007 nang una siyang magpataboy ng masamang espiritu kay Johnson.

Nagpatuloy ang ugnayan ng dalawa hanggang 2014.

Nakatira si "V.P." sa Martha's Vineyard na tanyag na bakasyunan ng mga mayayaman at sikat.

Bukod sa kulong, pinagbabayad din si Johnson ng $725,912 sa gobyerno ng Amerika dahil sa di binayarang buwis.

Pinababalik din kay Johnson ang $3.5 milyon na nakuha mula sa matandang babae.

-- Isinalin mula sa ulat ni Nate Raymond, Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.