Bartending, ‘in demand’ na trabaho

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 09:39 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Aminado sina Criscilla Navia at Lyn D' Amor na hindi sila mahilig sa alak.

Kaya hindi nila lubusang inakalang masisiyahan sila sa pagpasok sa karerang may kinalaman sa pagtimpla ng alak.

Kabilang sina Navia at D' Amor sa mga nagsasanay ng bartending sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

"Hindi ka titgilan hangga't 'di ka matututo. So iyong pupursigihin ka na matutunan iyong mga bagay na iyon," pahayag ni Navia.

Patok ang kursong bartending dahil "in demand" sa mga hotel, bar at restoran.

Puwedeng magtrabaho bilang bartender o magtayo ng sariling negosyo gaya ng mobile bar.

"Training ng bartending is all about preparing the cocktail and non-alcoholic beverages, how to provide basic wine service, how to clean the bar and operate the bar," ani Shella Bawar, bartending trainer sa TESDA.

Nitong Disyembre, 70 mula sa 600 na nagtapos sa TESDA ang kumuha ng kursong bartending.

Isa sa mga nagtapos ay si Mary Joyce Santiago, na ngayo'y bartender sa Makati.

Ani Santiago, marami pang puwedeng matutunan hinggil sa alak sa ilalim ng kurso, bukod sa paghanda at pagtimpla nito.

"Ang bawat bote kasi ng alak is may history. Anong component ng alak na ito," kuwento ni Santiago. "Kaya natutunan ko speed and lalo na iyong knowledge."

Halos tatlong buwan ang tagal ng pagsasanay sa TESDA.

Ayon pa sa TESDA, 25 mag-aaral lang ang kinukuha nila kada batch para matutukan ang bawat isa.

"We're well-equipped based on the industry standards," ani Bawar. "Maraming opportunities for bartenders local and abroad."

Muling bubuksan ang application sa Enero at maaaring tumungo sa iba't ibang sangay ng TESDA para magparehistro.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.