Libreng sakay ipapatupad sa LRT-1 sa Enero 1

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 01:56 PM

Makakalibre ng sakay ang mga pasahero ng LRT 1 sa unang araw ng 2018, ayon sa pamunuan ng tren.

Libre ang pamasahe sa LRT 1 mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi sa Enero 1, 2018, saad ng Light Rail Manila Corporation.

Hindi mababawasan ang load sa mga stored value cards na gagamitin sa mga oras na ito, habang ang mga gumagamit ng single-journey cards ay maaaring kumuha ng "zero fare" cards sa mga ticket booth sa oras ng promo, dagdag ng LRMC.

Ang LRT 1 ay bumabaybay Baclaran sa Parañaque hanggang Balintawak sa Quezon City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.