Dating empleyado, inireklamo ang awas sa sahod na di ipinasok sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2017 05:19 PM | Updated as of Nov 12 2017 10:43 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinaltasan ang buwanang sahod ng dating empleyado, pero hindi pala hinulugan ng ahensiya ang social benefits niya. 

Napag-alaman ni Angelica Lacro, dating hotel room attendant, na walang hulog ang kaniyang Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-IBIG accounts mula sa dating ahensiya na JECH Manpower Services.
 
Isang taon na siyang nakikipag-ugnayan sa ahensiya para ma-i-remit na ang kaniyang tatlong buwang kontribusyon.

Ayon sa PhilHealth at SSS, hindi naideklara ng ahensiya si Lacro bilang empleyado nila. 

Nagkaroon naman daw ng short remittances ang JECH Manpower, ayon sa Pag-IBIG.

Paliwanag ng JECH Manpower Services, nagkaroon lamang ng pagkaantala sa remittances dahil hindi sila agad nakakolekta sa mga pautang nito.

Inaamin nilang mayroon silang pagkukulang, pero iginiit na hindi nila tinatalikuran ang kanilang obligasyon.

Gumagawa na rin sila ng paraan para maayos itong gusot.

Nangako naman ang Department of Labor and Employment na iimbestigahan ang pagkukulang ng employer.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.