ALAMIN: Patok na trabaho sa 'insurance'

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 06:18 PM | Updated as of Oct 29 2017 08:46 PM

(UPDATE) Halos magkanda-kuba na noon sa pagtatrabaho ang 30 taong gulang na si Gen Novis bilang isang investment banking manager.

Kalauna'y nagdesisyon si Novis na mag-iba ng trabaho.

Dahil mahusay magsalita at makisalamuha sa iba't ibang tao, sinubukan naman ni Novis na magtrabaho bilang isang lifeplan advisor para sa mga gustong kumuha ng life insurance.

Patok ang trabahong ito dahil ayon sa datos ng Philippine Insurance Commission, 40% pa lamang ng mga Pilipino ang mayroong life plan.
 
Kung mayroong communication skills, marketing and sales attitude, at kapasidad para makahikayat ng tao, puwede kang maging advisor kahit na ano ang natapos na kurso. Pasok ka ring maging lifeplan advisor at academic advisor.

Kung nanaisin ding maging financial expert, kailangang kumuha ng exam. 

Lahat ng nais na pasuking trabaho, puwedeng ma-achieve basta magkaroon lang ng focus, career goal, at passion para magtagumpay sa buhay.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.