ALAMIN: Tips para maging matagumpay ang online negosyo

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2017 08:45 PM

Estudyante pa lang sila ngayon pero chief executive officer o CEO na agad ng kanilang sariling negosyo ang magkapatid na Jacob at Abraham Ranay.

Namana nila ang hilig sa negosyo ng kanilang mga magulang na kapwa negosyante rin.

Tulad ng iba pang millennials, sa online selling nakahanap ng parokyano ang magkapatid na Ranay.

Nakabebenta sila ng hanggang limang cellphone sa loob ng isang linggo at kumikita ng mahigit P20,000.

Ayon sa online marketing portal na Carousell, patuloy na dumarami ang millennials na sumusubok sa online business. 

Pero ayon sa mga online seller, hindi basta-basta ang negosyong ito.

May mga dapat tandaan kung gustong maging matagumpay ang online business.

Narito ang tips para pumatok sa online business:

  • Isaalang-alang ang produkto o serbisyong inaalok
  • Ibenta ito sa tamang presyo, base sa galaw ng merkado 
  • Alamin ang target market o mga gustong maging suki para hindi mahirapan sa pagbebenta
  • Maging totoo sa lahat ng feature ng produktong ibinebenta

Ayon pa rin sa ilang millennial na negosyante, advantage ang pagnenegosyo habang bata pa.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.