'Service charge at tip, dapat mapunta nang buo sa empleyado'

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 09:20 PM | Updated as of Oct 06 2017 10:37 PM

A waiter uses white gloves to keep from staining clean glasses at a hotel facility in Makati, the country's major business district on Wednesday. Jobs such as this are one of many jobs that belong to the end-of-contract labor scheme, often, workers in this field have to work in shifts and are not regular workers. Jonathan Cellona, ABS-CBN news

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang magmamandato sa mga establisyimento na ibigay ang kabuuan ng mga nakolektang service charge at tip sa mga empleyado. 

Sa Article 96 ng Labor Code, 85 porsiyento lamang ang nakukuha ng mga empleyado sa service charge na binabayad ng mga kostumer sa hotel, restaurant, at iba pang katulad na negosyo, at ang 15 porsiyento naman ay napupunta sa panumuan. 

Ayon sa panukalang batas ni Senador Joel Villanueva, dapat daw ay ibigay na ang 100 porsiyento ng mga tip at service charge sa mga empleyado gayung malaki naman ang kinikita ng mga establisyimento. 

“The tip actually reflects the quality of service of our workers. It serves as incentive to do their best,” ani Villanueva.

Ang panukala ay natalakay na noong Setyembre sa committee on labor, employment and human resources ng Senado at kasalukuyan pang pinag-uusapan ng binuong technical working group. 

“Considering that most of these workers are minimum wage earners, we think it is only fair to give them 100 percent of their hard-earned tips,” giit ni Villanueva.
 
Sinabi ng senador na hinalintulad niya ang panukala sa pulso ng mga labor organization sa iba't ibang parte ng mundo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.