Paalala ng BSP: 'Pagsira, pagsunog ng pera, may kaakibat na parusa'

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 09:40 PM | Updated as of Oct 06 2017 10:38 PM

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang video na kumalat sa internet kung saan makikitang sadyang sinusunog ang mga perang P20 at P50.

Ayon sa BSP, labag sa batas ang pagsira, pagbaboy, pagpunit o pagsunog sa kahit anong pera. 

"The BSP reminds the public that it is unlawful to willfully deface, mutilate, tear, burn or destroy, in any manner whatsoever, currency notes and coins issued by the BSP, pursuant to Presidential Decree No. 247," paalala ng BSP.

Ang mapapatunayang lumabag sa decree ay pagmumultahin ng hindi tatas sa P20,000 at maaari pang makulong hanggang sa limang taon.

Dagdag ng BSP, dapat ipagmalaki ang mga pera dahil makikita rito ang iba't ibang Pilipinong nagbigay karangalan at humulma sa ating bansa. 

"The Philippine banknotes remain a constant reminder of our ancestors' patriotism and bravery, as well as centuries of journey for a better future for our countrymen."

Tinatawagan din ng BSP ang mamamayan na ipagbigay alam sa kanila ang makikitang sisira ng pera.

Maaaring tawagan ang Currency Issue and Integrity Office ng BSP sa mga numerong 988-4833 at 926-5092.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.