ALAMIN: Hanap ng Pinoy sa kompanyang gustong pasukan

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 09:59 PM | Updated as of Aug 30 2017 11:56 PM

Lumabas sa isang survey na hindi na malaking suweldo kundi katatagan ng kompanyang papasukan ang pangunahing batayan ng mga Pinoy sa paghahanap ng trabaho.

Ayon sa isang survey ng job recruitment website na Jobstreet.com, dumarami ang mga Pilipino na hindi na masyadong tumitingin sa kung magkano ang suweldo basta't matatag at hindi basta-basta magsasara ang kompanya.
    
Base sa resulta ng survey, karamihan sa mga lumahok ang nagsabing mas gusto rin nilang tumagal sa isang kompanya na maraming oportunidad para matuto at ma-promote.

“’Kailangan ko muna ng isang kompanya na stable, hindi gano'n kalaki masyado ang suweldo, pero stable enough and long lasting to weather the storms whether there is a political issue or there’s an economic issue’,” ani Philip Gioca, country manager ng Jobstreet.com Philippines, sa mga hinahanap ng mga Pilipino.

Kabilang naman ang ABS-CBN sa 10 kompanyang hinirang bilang mga lugar kung saan pinakagustong magtrabaho ng mga Pilipino.

1. Manila Electric Co
2. San Miguel Corp
3. Google Philippines
4. Nestle Philippines
5. Accenture
6. BDO Unibank
7. Procter and Gamble
8. ABS-CBN Corp
9. PLDT Inc
10 Unilever

Umaasa ang Jobstreet na makatutulong ang resulta ng survey para pagandahin ng mga kompanya ang mga programa para sa mga empleyado.

Sa ganito anilang paraan, maiiwasan din ang pangingibang bayan ng mga manggagawa.

-- Ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News


 Ang Patrol.PH ay website ng ABS-CBN News. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.