Presyo ng gasolina at kerosene, muling bababa

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 05:59 PM

Muling magkakaroon ng rollback sa gasolina ngayong linggo. 

Mababawasan ang presyo ng gasolina mula P0.65 hanggang P0.75 kada litro. 

Maliit naman ang naging tapyas sa presyo ng imported na diesel sa international market, kaya posibleng walang galaw ito o hanggang P0.05 kada litro. 

Nasa P0.10 hanggang P0.20 naman ang magiging bawas presyo sa kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may rollback sa mga produktong petrolyo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.