Presyo ng manok, tumaas ng P10 kada kilo sa Antipolo

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 02:46 PM | Updated as of Apr 17 2018 03:02 PM

ANTIPOLO CITY - Tumaas ng P10 kada kilo ang presyo ng manok sa Masinag Market dito sa lungsod, Martes.

Mula P140 , P150 na ang kada kilo ng manok, at aabot naman sa P160 kung choice cuts ang bibilhin.

Ayon sa mga nagtitinda, ang taas-presyo ay dulot ng pagbaba ng suppy.

Dagdag ng mga magmamanok, nababansot o hirap sa paglaki ang mga manok kapag mainit ang panahon, at marami rin ang namamatay dahil hindi kinakaya ang mataas na temperatura.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.