Presyo ng langis, may dagdag simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 02:10 PM | Updated as of Apr 16 2018 08:33 PM

Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis nitong Lunes na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes.

Nasa P0.35 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.55 naman sa diesel.

Madadagdagan naman ng P0.80 ang kada litro ng kerosene.

OIL PRICE HIKE 

SHELL, SEAOIL, Flying V, Petron (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +P0.35/L
DIESEL +P0.55/L
KEROSENE +P0.80/L

Phoenix Petroleum, PTT Philippines, TOTAL, Eastern Petroleum (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +P0.35/L
DIESEL +P0.55/L

--May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.