Mga produktong petrolyo, taas-presyo muli sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 07:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ikalawang sunod na linggo ay magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang magiging taas-presyo sa gasolina, P0.20 hanggang P0.30 sa diesel, at P0.70 hanggang P0.80 naman sa kerosene.

Tinatayang dagdag sa presyo ng langis sa susunod na linggo"

• Diesel -- P0.40-P0.50/litro
• Gasolina -- P0.20-P0.30/litro
• Kerosene -- P0.70-P0.80/litro

Pero sa liquefied petroleum gas (LPG), nagrolbak na ang Petron Gasul, Fiesta Gas at Solane ng mahigit P1.60 kada kilo.

Pati ang auto-LPG ng Petron, nagtapyas-presyo na rin ng P0.90 kada litro noong Huwebes.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.