Mga kumpanya sa UAE, hinikayat na mag-invest sa Pilipinas

Alex Calda, DZMM

Posted at Feb 17 2017 04:25 PM

MANILA- Hinikayat ni Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Constancio Vingno Jr., ang iba’t-ibang mga kumpanya sa nasabing bansa na mag-invest sa Pilipinas.

Sa isang investment conference na inorganisa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Dubai, hinikayat ni Vingno ang 68 investors mula sa iba’t ibang kumpanya sa UAE na mamuhunan sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Charito Plaza, chair ng PEZA, maraming benepisyo at insentibo ang mga economic zones sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, 3 kumpanya mula sa UAE ang kabilang sa PEZA.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.