Presyo ng gasul, fiesta gas, bababa simula Pebrero 1

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 09:58 PM | Updated as of Jan 31 2018 11:27 PM

Magkakaroon ng pagbabawas sa presyo ng gasul at fiesta gas simula Huwebes, Pebrero 1.

Nag-anunsiyo ang kompanyang Petron ng bawas na P3.15 sa kada kilo ng gasul at fiesta gas.

Babawasan din ng Petron ng P1.75 ang presyo kada litro ng auto-liquefied petroleum gas (LPG).

Nasa P3.15 din ang ibabawas ng kompanyang Phoenix LPG Philippines sa kada kilo ng LPG. 

Kasama ang value added tax, nasa P3.18 naman ang itatapyas ng Solane sa presyo ng LPG.

-- May ulat ni Alvin Elchico at David Oro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.