Little brown brothers: A whole new spin on sovereignty

By Inday Espina Varona

Posted at Apr 08 2015 03:41 PM | Updated as of Apr 08 2015 11:41 PM

Ano ang limitasyon ng US involvement sa mga combat or law enforcement operations sa Pilipinas?

Sa usaping #Mamasapano, ito ang alam natin:

May 6 na Kano sa tactical command post sa #Mamasapano – na hindi daw alam ni Napenas ang bilang noong Jan. 25.

Sila ang may dala at nag-operate ng gamit na nagbigay ng real-time, on-gound info sa SAF

Tutok lang sa SAF 84 at ang target na si Marwan ang real-time surveillance – ayaw pa sumagot si Napenas kung nakikita ang buong #Mamasapano; may implications yan, kasi kung maraming armado na nakikita, dapat di na tinuloy ang ops ng walang kaakibat na on-ground na AFP support.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Board of Inquiry (BOI) at Senate reports na higit sa intel at equipment support ang papel ng mga Kano sa Mamasapano. May isa pa nagtangkang mag-utos kay 6th ID commander Pangilinan na magpalipad na ng artillery. Ito ay inamin ni Pangilinan sa resumption ng House of Representatives probe sa mga nangyari sa Mamasapano.

Sa tanong ni Gabriela party-list Rep. Emmie de Jesus, binulaslas ni Justice Secretary Leila de Lima ang tayo ng gobyerno sa usaping US involvement.

Sinabi niya na walang problema kung nasa tactical command post ang mga Kano.

Academic discussion lang daw.

Ayon kay de Lima, ang Korte Suprema ay nagdesisyon na ang Visiting Forces Agreement ay walang banggit na limitasyon sa specific activities – broad limitations lamang na kasama dito ang involvement sa actual combat. Ito daw ang “spirit” nang maaaring makilusan ng mga Kano.

Hindi daw tayo dapat mangamba na itataya talaga ng Kano ang buhay nila sa aktwal na labanan. Dahil ayaw na ayaw naman daw ng US na mamatayan ng tauhan nito.

Okay, di ba?

Pwede silang mambomba; pwede silang mag-utos na magpalipad ng artillery; pwede silang magmando na lumusob at pumunta dito o doon ang mga sundalo o pulis na Pilipino – hindi na bale na maipit ng kaaway – wag lang sila ang mamatayan sa labanan.

Read more.


Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of ABS-CBN Corp.

Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of ABS-CBN Corp.