Kung 'Macho Ganado' ka, kakasa ka ba sa Siga?

Mang Tomas

Posted at Oct 19 2017 04:57 PM

Macho Ganado ka ba? Masasagot mo lang 'yan kung sasali ka sa Mang Tomas Siga Challenge, isang a la "Man vs. Food" na eating contest kung saan ang mga teams na binubuo ng tatlong miyembro ay maglalaban-laban para lantakan ang isang platter ng chicken wings (100 pieces). 

Feeling mo ba'y kakayanin mo? Narito ang twist: 

Imbes na parisan ng malamig na beer, kailangan niyong ubusin ang 100 pirasong chicken wings kasama ang isang bucket (o anim na bote) ng Mang Tomas Siga, ang pinakabagong variant ng paborito mong all-around sarsa. All in 10 minutes 'to, bro! 

Noong nakaraang Sabado, inumpisahan ng Team Benjie Paras, Team Andre Paras, at Team Mayumi ang Mang Tomas Siga Challenge sa Ultimate Fitness Gym sa Metrowalk, Pasig City. 

Marami ang tumutok sa kakaibang food trip experience na 'to, pero marami ring pawis ang tumagaktak nang mag-umpisa nang sumipa ang anghang ng Mang Tomas Siga na 250x spicier than the regular sauce. Nakisaya rin sa food trip ang pinapalakpakang Fliptop star na si Loonie. 

Bukod sa event na ito sa Metrowalk, magkakaroon pa ng ibang bersiyon nito sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila: The Yard Xavierville, Quezon City (October 21, 28), Carnivale Food Park, Marikina (November 4), Gastropark Kapitolyo, Pasig (November 11,18, 25), Carnivale Food Park Marikina (December 2), Kantorini Katipunan, Quezon City (December 9, 16 and January 6, 2018), Carnivale Food Park (January 13, 2018), Greenfield District Shaw (January 19, 2018). 

Feeling mo Macho Ganado ka? Ayain mo na ang tropa at sumali sa Mang Tomas Siga Challenge.

I-follow ang kanilang official Facebook page para sa updates at additional information. 

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.