ALAMIN: Pinadaling remittance service para sa OFWs sa Japan

Seven Bank

Posted at Feb 27 2018 05:27 PM | Updated as of Feb 28 2018 10:39 AM

Seven Bank International Money Transfer Service App

Mas madali nang makakapagpadala ng pera mula sa Japan papuntang Pilipinas sa pamamagitan ng bagong remittance service na hatid ng Seven Bank. 

Una, kailangan mong magbukas ng account sa Seven Bank at magparehistro sa kanilang remittance service.

Kapag may account ka na, i-download lang ang Seven Bank International Money Transfer Service App para sa mas convenient na pagpapadala. Sa isang pindot lang ng "Send Money" button ng app ay maipapadala mo na sa Pilipinas ang pera.

Puwedeng i-pick-up ng receiver ang iyong remittance sa alin mang branch ng BDO, SM Store, Palawan Pawnshop, RD Pawnshop, M Lhuiller, Cebuana Lhuillier, at pati na sa iba't ibang Rural Bank partners ng Seven Bank. 

Mayroon ka ring option na direktang i-credit ang iyong padala sa mahigit 30 local banks sa Pilipinas, kasama na ang BDO, BPI, Landbank, Metrobank, at PNB. 

Huwag palagpasin ang extended promo ng Seven Bank hanggang sa Marso 31, 2018. Sa bawat 10,000 yen na padala, 600 yen lang ang charge. 

Kung sakali mang kulangin sa pera, maaari ring mag-apply ng loan sa Seven Bank branches sa Kawaguchi, Ueno, Kawasaki, at Nagoya. Kailangan lamang na maging permanent resident ng Japan, at dumaan sa loan screening ang application process. Makikita ang detalye rito: bit.ly/2F9BSb3

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Seven Bank at mga serbisyo nito, bisitahin ang kanilang website at Facebook page.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.